Jerwin Ancajas hahamunin si Sor Rungvisai

Isang linggo matapos magtabla ang kanyang laban, tutungo ngayong weekend si Jerwin Ancajas sa Bangkok, Thailand para pormal na maghain ng challenge sa kapwa niya super-flyweight champion Srisaket Sor Rungvisai.


Keene, Mono Vampire kinuryente ang Meralco

Kinapos ang Meralco Bolts sa una nilang laro laban sa Mono Vampire Basketball Club, 92-100, sa pagsisimula ng 2018 FIBA Asia Champions Cup sa Thailand nitong Huwebes.


Co, Siy umalalay sa 65s ng FCVBA

Winalis ng team 65 ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) ang group eliminations ng 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament matapos nitong padapain ang Miri, Malaysia, 42-37, Miyerkoles (Setyembre 12) sa Prince Songkla University Gym sa Hat Yai, Thailand.


26 puntos ni Reyes sinandigan ng FCVBA

Lusot na sa semifinals ng 27th ASEAN Basketball Veterans Tournament ang 60s ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association nang lampasuhin nito ang Hat Yai-B, 73-42, Martes, Setyembre 11, sa Prince Songkla University gym sa Hat Yai, Thailand.


Pagdepensa ng FCVBA title, mamaniin nina Que, Lim

Nakatakda ngayong araw ang pag-alis ng mga miyembro ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) patungong Hat Yai, Thailand upang depensahan ang kanilang dalawang titulo sa 27th ASEAN Veterans Basketball.


3-peat target nina Lim, Que sa FCVBA

Umaasa ang Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) na maipagpatuloy nito ang paghahari sa dalawang dibisyon ng 27th ASEAN Veterans Basketball Tournament na sumipa na noong Lunes, Setyembre 3 sa Hat Yai, Thailand.


50-0 ni Mayweather, binura ni Menayothin

Hindi umubra ang angas ni Pinoy slugger Pedro Taduran kontra Thai champion Wanheng Menayothin kaya bigo itong maagaw ang WBC minimumweight title ng huli Miyerkoles sa Thailand.


Taduran bigo ulit kontra Thai fighter

Hindi umubra ang angas ng Pilipinong boksingero na si Pedro Taduran kontra sa Thai champion na si Wanheng Menayothin kaya bigo itong masikwat ang WBC minimumweight world title noong Miyerkoles sa Thailand.


16th medal ng ‘Pinas, kinubra ni Abad

Nasungkit ni Almohaidib Abad ang ikatlong puwesto sa Pencak Silat men’s singles upang kubrahin ang pang-16 medalya ng Pilipinas sa ginaganap pa ring 18th Asian Games sa Jakarta-Palembang, Indonesia nitong Miyerkoles, Agosto 29.


Sotto, Edu, Batang Gilas nabawian ng China

NABIGO ang Batang Gilas-Pilipinas na maiuwi ang tansong medalya matapos itong makatikim muli ng kabiguan at mabawian sa una nitong tinalo na China sa matira-matibay na labanan para sa ikatlong puwesto 57-76 kahapon sa huling araw ng FIBA Under 18 Asian Championships sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand.


Pilipinas, Australia ‘mag-uupakan’ na naman

Mahigit isang buwan pa lamang ang nakakalipas mula sa naganap na basketbrawl sa FIBA Asia World Cup Qualifying ay magkakaharap muli ang Pilipinas at Australia bagaman hindi sa men’s division kundi sa pagitan ng Batang Gilas-Pilipinas at Australia Emus sa ginaganap na FIBA Under 18 Asian Championships sa Thailand.


Batang Gilas pasok na sa FIBA U19 World Cup

Nag-init ang Batang Gilas sa second quarter para paluhurin ang Bahrain, 67-52, sa 2018 FIBA Under-18 Asian Championship nitong Huwebes sa Stadium 29 sa Nonthaburi, Thailand.