Bello: Mandatory repatriation sa mga Pinoy sa Middle East, ipapatupad na

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa isang Press Conference na magpapatupad ng mandatory repatriation ang pamahalaan sa mga manggagawang Filiino na nasa Iran, Iraq at Lebanon kasunod na umiinit na tensyon sa mga naturang bansa. Inilagay na sa alert level 4 ng Department of Foreign Affairs.


Standby fund para sa mga OFW sa Middle East, suportado ni Tolentino

Suportado ni Senador Francis Tolentino ang ginawang hakbang ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpupulong sa mga gabinete para sa standby fund para sa repatriation ng Filipino workers sa gitnang silangan na maapektuhan ng tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.