risa-hontiveros-kolumn

Huwag daw gumamit ng condom?

Kamakailan, sinabihan ni Presidente Rodrigo Duterte ang publiko na huwag gumamit ng mga condom dahil hindi daw ito masarap. Hello? Isa itong iresponsableng pahayag na naglalagay sa ibayong panganib ang kalusugan ng mamamayan. Hindi ito nakakatulong sa edukasyon ng mamamayan, lalo na sa pagsugpo ng paglaganap ng HIV-AIDS at lumalaking bilang ng teen pregnancies.