Pag-harass ng China sa Ayungin Shoal ilegal – Locsin

Kinondena ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagharang at pagbomba ng water cannon ng tatlong Chinese vessel sa dalawang supply boat ng Pilipinas sa karagatang sakop pa ng teritoryo ng bansa.