Gordon tinangkang suhulan ng Rodriguez group

Inamin ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon sa panayam sa Senado na tinangka siyang suhulan ng Rodriguez group kapalit ng hindi pagpapatuloy ng pagdinig sa paglabag sa anti-money laundering law o pagpapasok ng milyon milyong dolyar ng naturang grupo sa paliparan na hinihinalang pera ng mga Chinese Nationals na pumapasok sa bansa.


Bebot timbog sa panunuhol

Inaresto ng pulisya ang isang 30-anyos na babae makaraang tangkaing suhulan ng P5,000 ang isang pulis para mapalaya ang dalawang lalaki na nahuli sa iligal na sugal, Martes ng madaling araw sa Makati City.