PCSO nakabawi sa Peryahan ng Bayan, STL

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sa kanilang mga laro, ang Small Town Lottery (STL) at Peryahan ng Bayan ang nagbigay sa kanila ng malaking kita noong nakaraang taon.


PCSO bukas sa imbestigasyon ng PACC sa STL

Bukas ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa isinasagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa ilang mga opisyal ng gobyerno na sangkot umano sa operasyon ng Small Town Lottery (STL) ng ahensiya.


Opisyal na nakipagsabwatan sa jueteng operators, habulin din – Hontiveros

Kung nais umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na supilin ang katiwalian sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), dapat habulin din nito ang mga korap na mga opisyal na nakikipagsabwatan sa mga jueteng operator gamit ang small town lottery (STL) franchise bilang “front” ng kanilang illegal gambling operation.


48 lotto outlet sa QC, kinandado na

Ipinasara na rin sa Quezon City ang mga lotto outlet matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang mga permit ng mga small town lottery (STL) at iba pang gaming schemes na pinagmumulan ng massive corruption.


PCSO humingi ng pang-unawa sa mga mananaya

Matapos ang ginawang pagpapasara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng gaming activities nila, hiniling ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pang-unawa ng lahat ng mga mananaya ng lotto, small town lottery (STL), Keno, Peryahang Bayan at iba pa.


PCSO outlets, ikakandado ng PNP

PCSO outlets, ikakandado ng PNP

Nagbigay na ng direktiba ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa lahat ng Regional Offices sa bansa na ipasara ang lahat ng outlet ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kasabay ng utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na tigil na ang operasyon ng Lotto, Small Town Lottery (STL), Keno, Peryahang Bayan at lahat ng gaming schemes na ipinatutupad ng PCSO.


TRAIN law sinisi ng PCSO sa mababang kita ng lotto

TRAIN law sinisi ng PCSO sa mababang kita ng lotto

Inamin ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman at general manager Anselmo Simeon Pinili na mas tinatangkilik ngayon ng mga mananaya ang Small-Town Lottery (STL) kumpara sa regular lotto dahil tax-free ito.


2 lalaki niratrat ng riding-in-tandem

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Zamboanga Police kaugnay sa pamamaril sa dalawang lalaki na ikinasawi ng isa habang malubhang nasugatan ang kasama nito makaraang tambangan ng riding in tandem sa Barangay Baluno Isabela.


Kita ng STL ng PCSO, bahagyang tumaas

Inihayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan na umangat ang kita ng February sales ng Small Town Lottery (STL) na P1,946,395,655, na kung saan umabot ito sa 4.13 posiyentong pagtaas mula sa P1,869,263,505.42 sales ng Enero.