Wala akong utang sa mga kaalyado ng administrasyon – Poe

Wala umanong pagkakautang si reelectionist Senator Grace Poe sa mga kaalyado ng administrasyon para siya ay maging sunud-sunuran sa mga ito sa kabila ng takot na maging ‘less independent’ ang Senado dahil sa napipintong pagkapanalo ng mga kandidato ng Pangulo.