Kaguluhan sa Maguindanao pinuna ni Imee

Pinuna ni Senadora Imee Marcos ang tila hindi matapos-tapos na kaguluhan sa Mindanao kahit nasa ilalim na ng pamamahala ng Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao (BARMM).
Ipinunto pa ng Senadora ang naganap na encounter sa Datu Paglas Maguindanao.


Senador Bato binobola si Senador Tolentino

Tila binobola ni Senador Ronald Bato Dela Rosa si Committee on Local Government Chairman Senador Francis Tolentino na nakatawa habang ipinagtanggol at ipinagmamalaki na kayang kaya na depensahan ni Sen. Tolentino ang panukalang Organic Law para sa Bangsamoro Autonomous Region on Muslim Mindanao


Sotto: Habang tumatagal hearing, dumarami paglabag sa pork importation

Napuna no Senate President Vicente Tito Sotto III na habang tumatagal ang hearing ng Committee of the Whole sa pork importation mas lalong lumalabas ang mga maraming paglabag ang ilang opisyal ng gobyerno partikular na ang Department of Agriculture at mga ahensya sa ilalim nito.


BAI Director Dr. Morales ‘NADULAS’ sa pagdinig

Parang isda na nahuli mismo sa sariling bunganga si Bureau of Animal Industry Dr. Reildrin Morales ng sinabi niya na matagal ng sistema na kahit noong hindi pa naisasabatas ang 2013 Food Safety Act ganoon na ang proseso na hindi kinokompleyo ang inspeksyon sa first boarder ng pagdating ng imported meat kaya hanggang ngayon ay ginagawa ito.
Dahil dito, nadismaya ang mga senador dahil malinaw na inamin mismo ni Dr. Morales na may paglabag sila sa ipinaiiral na Food Safety Act of 2013.


DA, DOH may nilabag sa batas — Lacson

Tahasang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na may nilabag sa batas ang mga taga Department of Agriculture at Department of Health sa kanilang Joint Administrative Order sa ilalim ng ipinatutupad na batas ang Food Safety Act of 2013 kung saan dapat nagsagawa ng inspection sa first point of entry ang dalawang ahensya bago ipatupad ang pagpapataw ng buwis pero hindi Ito ginagawa ng DA at ng DOH.


Binay nagulat sa naging desisyon ng NTC

Aminado si Senadora Nancy Binay na nagulat siya sa naging desisyon ng NTC sa pagpapasara ng ABS-CBN kung saan 11,000 empleyado ang apektado sa kabila na may commitment sa Senado ang NTC.


Senador Bong Go sang-ayon sa ECQ extension

Bilang senador ay sang-ayon si Bong Go na ma-extend pa ang pagpapatupad sa enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR) dahil dito ang patuloy na tumataas na bilang na nagpopositibo sa coronavirus disease o COVID-19.


Imee: POGO dagdag sakit sa ulo ng China

Sinabi ni Senador Imee Marcos na hindi kinukunsinti ng China ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at dumaragdag pa ang mga eskandalo ng POGO sa problema nila sa COVID-19.


Imee Marcos humingi ng tawad kay Pia Cayetano

Aminado si Senador Imee Marcos na siya’y nagkamali nang kanyang talakayin ang Corporate Income and Incentives Reform Act (CITIRA) Bill sa Senado at aniya’y humingi siya ng paumanhin sa nag-akda ng naturang bill na si Senador Pia Cayetano.


Gordon tinangkang suhulan ng Rodriguez group

Inamin ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon sa panayam sa Senado na tinangka siyang suhulan ng Rodriguez group kapalit ng hindi pagpapatuloy ng pagdinig sa paglabag sa anti-money laundering law o pagpapasok ng milyon milyong dolyar ng naturang grupo sa paliparan na hinihinalang pera ng mga Chinese Nationals na pumapasok sa bansa.


Matigas talaga ang ulo ng Pangulo – Zubiri

Aminado si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na matigas talaga ang ulo ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos na iginiit na makikipagkamay pa rin siya sa kabila ng babala na posibleng malagay sa panganib ang kalusugan ng presidente dahil sa patuloy paglaganap ng COVID-19.