Cash aid para sa mga sinagasaan ng TRAIN law, pinamamadali ni Legarda

Nanawagan si Senadora Loren Legarda sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na madaliin na ang pagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga apektado ng paglobo ng presyo ng petrolyo at mga bilihin nang dahil sa ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.