‘Pag napatunayan pagpilit sa mga senador: Sotto magbibitiw, babarilin sarili

Magbibitiw na lang bilang lider ng Senado at magbabaril sa Luneta si vice presidential candidate at Senate President Vicente Sotto III kung mapapatunayang pinilit umano niya ang mga kapwa senador para lagdaan ang Senate blue ribbon committee report na nakitang may pananagutan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Pharmally Pharmaceutical Corp.


Mga sangkot sa Pharmally ganid, walang ‘K’ — Lacson

Hindi kumbinsido si Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson na akma ang kasong ‘betrayal of public trust’ na ipataw sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa isyu ng katiwalian dahil sa iskandalo ng Pharmally ngunit naniniwala siyang may mananagot sa mga ito.


Duterte kasuhan ng sedition – Blue Ribbon chair

Inihayag ng Senate Blue Ribbon Committee maaaring kasuhan ng inciting to sedition at grave coercion si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kwestiyonableng P8 bilyong COVID-19 pandemic supply contract na pinasok ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation noong 2020.


Ex-economic adviser Michael Yang pinalayas sa ‘Pinas

Opisyal nang inirekomenda ng Senate blue ribbon committee ang deportasyon ni dating presidential economic adviser Michael Yang dahil sa kanyang papel sa maanomalyang procurement deal na pinasok ng gobyerno sa iba’t ibang pharmaceutical company para sa mga COVID-19 medical supply.


2 kasabwat sa Pharmally deal pinaaaresto ng Senado

Hihingi ng tulong ang Senate Blue Ribbon Committee sa mga awtoridad para madakip ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na sangkot sa maanomalyang transaksyon sa gobyerno sa pagbili ng COVID-19 medical supply.


Roque: Banat ni Dick, kuwentong kutsero

Tinawag ng Malacañang na kuwentong kutsero para sa interes sa politika ang banat ni Senador Richard Gordon na mayroong kamay ang ehekutibo sa grand conspiracy sa iniimbestigahan ng kanyang Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa pagbili ng medical supplies para sa COVID response.


2 Pharmally exec ikukulong sa Senado

Na-cite for contempt ng Senate Blue Ribbon Committee ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corp. dahil sa pagtanggi nilang isumite ang mga dokumentong hinihingi sa kanila ng komite.


Duterte nagbantang ipakukulong mga senador

Ipakukulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga senador kapag hindi tinantanan ang mga miyembro ng gabinete sa walang katapusang pag-iimbestiga ng Senate Blue Ribbon Committee.


Pharmally exec dedma na sa pagdinig ng Senado

Nanindigan si Pharmally Pharmaceutical Corp. director Linconn Ong na hindi na siya dadalo sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa pagbili ng Department of Health ng mga Covid-19 medical supply noong nagdaang taon.


Marcoleta nagpasaring sa Senado

Pinasaringan ng isang solon ang Senate Blue Ribbon Committee na ayaw umanong maniwala sa ulat ng Commission on Audit (COA) kaugnay ng pagbili ng face mask at personal protective equipment ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) noong 2020.


Go pumalag sa pambu-bully ni Gordon

Pinuna ni Senador Christopher “Bong” Go ang diumano’y pambu-bully ni Senador Richard Gordon sa ginagawang pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa ‘overpriced’ na suplay para sa pandemya.