Panukalang LPG safety law lusot na sa bicam – Gatchalian

Matapos ang 18 taon at pitong Kongreso, magiging isa nang ganap na batas ang panukalang regulasyon para sa industriya ng liquefied petroleum gas (LPG) na magsisiguro sa kapakanan at interes ng mga konsyumer laban sa mga iligal na paraan ng pag-refill at mga mababang kalidad at depektibong tangke.