Poe pinasususpinde excise tax sa gasolina, diesel

Naghain na si Senadora Grace Poe ng Senate Bill 2445 na naglalayong suspendihin ang koleksyon ng excise taxes sa gasolina at diesel kung aabot ang average price ng Dubai crude oil sa $80 kada bariles sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.