Poe sa PhilHealth: Mga ospital bayaran na

Muling nanawagan si Senadora Grace Poe sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Department of Budget and Management (DBM) na kumilos kaagad upang mapabilis ang pagpapalabas ng pondo na pambayad sa mga pagamutan at health workers habang kinakaharap ng bansa ang banta ng Delta variant.


Padala ng mga OFW proteksyonan – Poe

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa mga institusyong pinansyal tulad ng mga bangko at money transfer company gayundin ng mga regulator na paigtingin ang pagbibigay proteksyon sa mga remittance at money transfer ng mga overseas Filipino workers (OFW).


Poe sa IATF: Palakasin suporta sa Iloilo vs COVID

Nanawagan ni Senadora Grace Poe sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na kumilos agad sa apela ng probinsiya ng Iloilo at iba pang high-risk local government na punuan ang kakapusan ng resource sa gitna ng tumataas na bilang ng mga pasyente roon.


Maayos na road safety sign solusyon sa aksidente – Poe

Naghain si Senadora Grace Poe ng isang panukala na naglalayong atasan ang mga ahensiya ng gobyerno na maglagay ng road at public safety signage na batay sa international standard para mabawasan ang aksidente at iba pang panganib sa kalsada.


Poe kinalampag mga telco: Paspasan pa trabaho

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa mga kompanya ng telekomunikasyon (telco) na patuloy na madaliin ang konstruksiyon ng mga cell tower at paglalagay ng mga fiber optic cable, lalo na’t pinaikli na ang proseso ng pagkuha ng mga kinakailangang government permit.


Poe nanawagan ng libreng bisikleta sa mga pobre

Hinikayat ni Senadora Grace Poe ang gobyerno at ang pribadong sektor na bigyan ng bisikleta ng mga mahihirap ng mga manggagawa para mapadali ang kanilang biyahe at hindi na kailangan pang makipagsiksikan sa mga pampublikong sasakyan.


Trillanes gusto ka-tandem si Grace Poe

Kung siya ay tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections, nais ni dating senador Antonio Trillanes IV na si Senadora Grace Poe ang kanyang maging vice president.


Poe: Community pantry panggising sa gobyerno

Maituturing na ‘wake up’ call sa gobyerno ang paglitawan ng mga community pantry para matugunan nito ang pangangailangan ng mamamayan sa gitna ng pandemya, ayon kay Senadora Grace Poe.


National ID gamitin sa pamamahagi ng ayuda – Poe

Hinimok ni Senadora Grace Poe ang gobyerno na gamitin ang Philippine Identification System (PhilSys) para mapalawak ang financial inclusion ng bansa at maipatupad ang serbisyo ng gobyerno tulad ng pamamahagi ng cash subsidy o loan.


Poe sa BSP: Mga konsumer protektahan

Hinimok ni Senadora Grace Poe ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumamit ng maayos na polisiya na tutugon sa reklamo ng mga konsumer at poprotekta sa depositors at borrowers sa panahon ng pandemya.


Poe: Bawasan ang interes sa PUV modernization loan

Hinimok ni Senadora Grace Poe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) na bawasan ang interest rate sa PUV modernization loan sa apat na porsiyento mula sa anim na porsiyento para makagaan sa mga operator at driver na gustong kumuha ng modernong dyip.


Anomalya sa accreditation ng PMVIC babalatan ng blue ribbon

Sinuportahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panawagan ni Senadora Grace Poe na imbestigahan ng Senate blue ribbon committee ang mga anomalya sa private motor vehicle inspection centers o PMVICs lalo na ang kasunduan ng Department of Transportation sa mga private inspection center.


Mga PMVIC posibleng iligal – Poe

Posibleng iligal ang pagbuo ng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) dahil wala umano ito sa mandato ng Department of Transportation (DOTr).