Akreditasyon ng resort, hotel pinamamadali ni Tolentino

Hinimok ni Senador Francis Tolentino ang Department of Tourism na paspasan ang akreditasyon ng mga lokal na establisimiyento na may kinalaman sa turismo, gaya ng mga hotel at resort upang muling maibalik ang sigla ng lokal na turismo sa bansa.


P1,000 multa ng MMDA sa bike group ‘di makatao – Tolentino

Kinasatigo ni Senador Francis Tolentino ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa ginawang pagmulta ng P1,000 sa bawat miyembro ng isang bicycle group na naglagay ng temporary barrier para protektahan ang mga cyclist sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.


PTV-4 gamitin sa distance learning program – Tolentino

Dahil naapektuhan ng COVID-19 pandemic ang education system ng bansa, hinikayat ni Senador Francis Tolentino ang DepEd na makipagpartner sa PTV-4 at National Telecommunications Commission para maging matagumpay ang “distance learning program” nito.


Tolentino pasalamat sa pag-deploy ng 1,500 med grad vs COVID

Pinuri ni Senador Francis Tolentino ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) dahil sa pagpapahintulot nito na payagang makapag-practice ng medisina ang nasa 1,500 medical graduate sa kabila ng laban ng bansa sa COVID-19 pandemic.


Pagpapalawig sa April 15 deadline ng ITR filing isinulong sa Kamara

Hinimok ni House Assistant Majority Leader at Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles ang pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na palawigin ang deadline para sa paghahain at pagbabayad ng taunang income tax returns (ITR) sa likod sa umiiral na Luzon-wide lockdown sa Metro Manila at buong Luzon dahil sa peligro at banta ng COVID-19 virus.