Drilon: Gobyerno malambot sa PITC

Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tila malambot na pagtrato ng gobyerno sa kalokohang ginawa ng Philippine International Trading Corporation (PITC) kaugnay ng nagaraheng P33 bilyon sa kanilang bank account.


Drilon: Pondo sa forensic lab ng PAO alisin!

Mas mabuting kumuha na lang ng dagdag ng abogado ang Public Attorney’s Office (PAO) sa halip na magpatayo ng forensic laboratory division, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.


Marawi rehab fund kakarampot lang – Drilon

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang napakaliit na alokasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City sa ilalim ng panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021.


Drilon: Bayanihan 3 walang sense

Mariing tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukalang magkaroon ng ikatlong COVID-19 aid package dahil hindi pa aniya nakukumpleto ng ehekutibo ang pamamahagi ng pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).


Drilon: P10B dagdag para sa COVID bakuna ilusyon lang

Isang ilusyon lang umano ang panukalang P10 bilyong pondo para sa COVID-19 vaccine na kukunin sa unprogrammed funds, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, dahil hindi naman tiyak kung makakalikom ng dagdag na revenue ang gobyerno sa 2021.


Drilon: Anti-insurgency fund ipagpaliban muna

Mas mainam na ipagpaliban muna ang paglalagay ng pondo sa anti-insurgency program ng gobyerno at bigyan ng prayoridad ang paglalaan ng budget para sa pangunahing pangangailangan ng taumbayan lalo na ngayong panahon ng pandemya, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.


Panukalang Dep’t of Disaster Resilience ayaw ni Drilon

Hindi sang-ayon si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa panukalang pagbubuo ng bagong departamento na tutuon lang sa disaster management na tinawag pa nitong “knee-jerk reaction” na magpapalaki pa aniya sa lumolobong burukrasya sa kasalakuyan.


AFP modernization program, usad pagong – Drilon

Pinuna ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tila mabagal na pagpapatupad ng modernization program ng military kaya’t hinikayat nito si Defense Secretary Delfin Lorenzana na madaliin ito.


Special session gawin sa Nob. 9-13 – Drilon

Para masigurong maaprubahan ang panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021 sa takdang oras, iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na magsagawa ng special session sa Nobyembre 9 hanggang 13.


SC walang pampasuweldo sa mga judges-at-large

Inihayag ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na tinanggal ang pondo para sa suweldo ng mga judges-at-large matapos tapyasan ang panukalang pondo ng hudikatura sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).


Drilon sa Palasyo: Banta ng EU Parliament seryosohin

Pinayuhan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang administrasyong Duterte na seryosohin ang banta ng European Parliament na babawiin ang exports tariff exemption ng Pilipinas dahil sa lumalalang sitwasyon ng human rights sa atin.


Drilon: Anti-insurgency fund i-audit

Dahil sa kakulangan ng transparency sa paggamit ng bilyong piso para sa anti-insurgency program ng gobyerno, dapat umanong suriin ng Commission on Audit (COA) ang pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.


SAP ipipilit ng Senado sa 2021 budget – Drilon

Para mapagaan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa mga Pinoy at mapigilan ang lalo pang kahirapan, nangako si Senate Minority Leader Franklin Drilon na isusulong nila na magkaroon ng pondo para sa ayuda sa panukalang P4.5-trilyong national budget para sa taong 2021.