Canlas, Red Lions nilapa ang Bombers

Kumayod si James Canlas ng 18 points, pitong rebounds at dalawang assists upang akbayan ang defending champion San Beda University (SBU) Red Lions sa 12-game winning streak matapos lapain ang Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers, 65-47, sa 95th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.