PNP Major General Ramos wala pang malay

Nailipat nitong Sabado sa Asian Hospital sa Muntinlupa City si Philippine National Police Director for Comptrollership Police Major General Jose Maria Ramos na kabilang sa walong sakay ng helicopter na bumagsak sa San Pedro Laguna, Huwebes ng umaga.


Eleazar, SITG ininspeksyon ang crash site

Nagsagawa ng ocular inspection at imbestigasyon si PNP Lieutenant General Guillermo Eleazar kasama ang Special Investigation Task Group (SITG) sa pinagbagsakan ng Bell 429 helicopter ng PNP sa Laperal Compound sa San Pedro Laguna kung saan sakay si PNP Chief Archie Gamboa at iba pa.