ruby-tuason

Tinablang US trip iniapela ni Ruby Tuason

Umapela si pork barrel scam state witness Ruby Tuason sa Sandiganbayan para irekonsidera ang hindi pagpayag na makabiyahe siya sa Amerika para magpagamot.

Unang tinanggihan ng anti-graft court Third Division ang travel motion ni Tuason dahil masyadong mahaba ang kanyang biyahe at hindi nakalagay kung saan ito mananatili sa California at Las Vegas, Nevada kung saan ito magpapa-konsulta sa eksperto sa mata.