Gordon tinangkang suhulan ng Rodriguez group

Inamin ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon sa panayam sa Senado na tinangka siyang suhulan ng Rodriguez group kapalit ng hindi pagpapatuloy ng pagdinig sa paglabag sa anti-money laundering law o pagpapasok ng milyon milyong dolyar ng naturang grupo sa paliparan na hinihinalang pera ng mga Chinese Nationals na pumapasok sa bansa.


Gordon: Rodriguez group nanuhol ng P20M

Isang emisaryo umano ng ‘Rodriguez group’ ang nag-alok ng hanggang P20 milyong ‘bribe money’ kay Senador Richard Gorodn para hindi padaluhin ang mga ito sa pagdining ng Senado kaugnay ng milyong dolyar na ‘dirty money’ na pinapasok sa Pilipinas.


Rodriguez group malalakas ang loob – Gordon

Nagtataka si Senador Richard Gordon kung bakit malalakas ang loob ng Rodriguez group o pamilya Rodriguez na siyang ginagamit na magpasok ng milyon-milyong dolyar ng Chinese national sa bansa matapos na muling mahuli ito isang araw bago ang pagdinig sa muling tangkang pagpasok ng malaking halaga ng pera sa paliparan.