NBI umabuso sa subpoena power – De Lima

Naghain si Senadora Leila de Lima na isang resolusyon na naglalayong imbestigahan ang posibleng pag-abuso sa subpoena powers ng National Bureau of Investigation (NBI), matapos nitong ipatawag ang ilang private citizen kaugnay ng kanilang social media post tungkol sa COVID-19 pandemic.


Duque babalatan, pagpapaliwanagin sa Senado

Tatalakayin sa isang public hearing sa Senado ang inihaing resolusyon na humiling ng agarang pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III sa oras na magpatuloy ang sesyon, ayon kay Senador Panfilo Lacson.


Bong Go: Resolusyon ni Drilon may halong pamumulitika

Nanindigan si Senador Christopher Bong Go na may halong pamumulitika ang resolusyon na inihain ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na naglalayon na i-extend ang prangkisa ng ABS-CBN hanggang 2022 upang hindi ito ma veto ng Pangulong Rodrigo Duterte.


Review ng UNHRC sa EJK, tanggapin na lang – Gordon

Hindi umano dapat kumalas ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) matapos paboran ng 18 sa 47 miyembro ng konseho ang resolusyon na mag-iimbestiga sa sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.