81K litro ng smuggled na langis nasamsam

Nagresulta sa pagkakakumpiska ng 81,000 litro ng smuggled na produktong petrolyo ang pagsunod ng mga ahensya ng gobyerno sa panukala ng mga kongresista na magtayo ng anti-fuel smuggling task force.


Bawas-buwis sa langis mamadaliin ng Kamara

Sisimulan na ngayong araw ng Kamara de Representantes ang pagtalakay sa plenaryo ng panukala na magbabawas sa excise tax na ipinapataw sa mga piling produktong petrolyo.


DOE umapela ng werpa vs oil price hike

Nanawagan si Energy Secretary Alfonso Cusi sa Kongreso na bigyan ng kapangyarihan ang ahensiya para magsuspinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa gitna ng pagsirit ng presyo nito.


Regulasyon ng oil industry kailangan na—Bayan Muna

Matapos ang ikawalong sunod na pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo, nanawagan si House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kongreso na ipasa ang panukala na magre-regulate sa downstream oil industry.


Preno sa oil price hike sigaw ng Akbayan

Nanawagan ang Akbayan Partylist sa pamahalaan na aksyunan ang patuloy na pag-taas sa presyo ng produktong petrolyo, na ngayo’y walong sunod-sunod na linggo nang tumataas.


DOE sa oil companies: Suplay ng langis manmanan

Nanawagan ang Department of Energy (DOE) ngayong Martes sa mga kompanya ng langis na siguruhin ang sapat na suplay at remedyuhan ang mga posibleng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.


Tapyas sa gasolina ikakasa

Alas-sais ng umaga bukas, Hulyo 7, ipatutupad ng mga kompanya ng langis ang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa, matapos ang ilang linggong taas-singil sa mga ito.