Kim Domingo inulan ng mahahalay na offer matapos rumampa sa MOA

DAHIL sa pagrampa ni Kim Domingo sa event ng Bench last Saturday sa MOA, tila mas lalong dumami ang indecent proposal sa kanya. Kung ang iba, date lang ang hinihingi, o tipong name your place para sa isang lunch o dinner, may ibang makakapal ang mukha, na in public ay inaalok talaga si Kim na matikman nila, sa tamang halaga.