Bongbong dismayado sa desisyon ng SC

Hindi inasahan ng kampo ni dating senador Bongbong Marcos ang inilabas na resolusyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa petisyon nila na humihiling na ipawalang-bisa ang pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo noong 2016 elections dahil umano sa malawakang dayaan na naganap.


Misa para kay VP Leni, dinaos sa labas ng Korte Suprema

Nagdaos muna ng isang misa ang mga taga suporta ni VP Leni Robredo sa tabi ng Korte Suprema. Habang hinihintay ang ilalabas ngayon ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang desisyon sa electoral protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.


Rule 65 sa poll protest ni Marcos, iginiit ng kampo ni Robredo

Kasunod ng inaasahang deliberasyon ng resulta ng 2016 vice presidential election protest na inihain ni dating senador Bongbong Marcos laban kay VP Leni Robredo, nagsumite ng manifestation ang huli sa Korte Suprema na siyang tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).


Manual recount sa presinto sa Iloilo, ipinatigil ng PET

Iniutos ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang pagsuspinde sa manual recount sa mga basang balota na mula sa Iloilo na kasama sa electoral protest sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos.