Valdez MVP ulit; Pacific bumawi sa BanKo

Siniguro ng Pacific Town Army Lady Troopers na hindi na mangyayari ang pagkulapso matapos nito bawian ang katapat na BanKo Perlas Spikers sa pagtala ng 3-1 set na panalo 25-23, 20-25, 25-20, 25-23 para itabla ang labanan sa ikatlong puwesto ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.


Chuewulim, BanKo kumatok sa bronze

Chuewulim, BanKo kumatok sa bronze

Limang set ang kinailangan nina import Sutadta Chuewulim at BanKo Perlas Spikers upang mapatiklop ang Pacific Town Army Lady Troopers 25-27, 10-25, 27-25, 26-24, 16-14 sa Game 1 ng best-of-three battle for third place ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.


Salas, Johnson, PetroGazz nanakawan ang Creamline

Literal na aagawan ng korona nina import Wilma Salas, Janisa Johnson at PetroGazz Angels ang defending champions Creamline Cool Smashers simula sa Game 1 ng best-of-three finals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference, alas-5 Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Centre.


Gumabao, Creamline papaluin ang Game 1

Wala nang kiyeme. Banat agad!
Ito ang nasa kukote nina Thai import Kuttika Kaewpin, team captain Alyssa Valdez, Michele Gumabao at Creamline Cool Smashers asa pagdepensa ng kanilang korona sa Game 1 ng best-of-three Finals kontra PetroGazz Angels alas-tres Miyerkoles ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Centre.


Kaewpin, Creamline sisipain na ang Pacific

Tatapusin na ni Thai Import Kuttika Kaewpin at Creamline Cool Smashers ang best-of-three semifinals kontra Pacific Town Army Lady Troopers sa Game 2 ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Sabado sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.


Johnson, Nunag, PetroGazz pag-eempakehin ang BanKo

Johnson, Nunag, PetroGazz pag-eempakehin ang BanKo

Balak nang tapusin ni team captain Janisa Johnson at PetroGazz Angels ang best-of-three semifinals kontra BanKo Perlas Spikers sa Game 2 ng kanilang serye Sabado sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa Ynares Sports Center.


Tiamzon, BanKo mag-a-adjust para kay Horton

Tiamzon, BanKo mag-a-adjust para kay Horton

Batid ni team captain Nicole Tiamzon ng BanKo Perlas Spikers na kailangan pa nilang trabahuhin ang adjustment kasama ang kanilang bagong import na si Jeane “Stiix” Horton para pahabain pa ang serye ng best-of-three semifinals ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference.


Gonzaga, Army napapagod din

Gonzaga, Army napapagod din

Hindi man pinalad na makuha ang first game ng best-of-three semifinals sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference nitong Miyerkoles kontra Creamline Cool Smashers, hindi naman nawawalan ng kumpiyansa si veteran opposite hitter Jovelyn Gonzaga ng Pacific Town Army Lady Troopers.


Valdez, Creamline kumatok sa finals

Lumapit sa finals ang Creamline Cool Smashers matapos isalya sa first game ng best-of-three semifinals ang Pacific Town Army Lady Troopers 26-24, 25-21, 23-25, 25-20 sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.


Thompson, Motolite aakyat sa Top 4

Kakayod sina import Channon Thompson at Motolite laban sa nangungunang PetroGazz Angels Sabado sa pagtatapos ng elimination round ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.


Tiamzon, BanKo Perlas dedekwatan ang Pacific

Pag-aagawan sa pagtatapos ng elimination round ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference ang No. 3 seed sa pagitan ng BanKo Perlas Spikers kontra Pacific Town Army Lady Troopers Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Team performance, sandigan ng BanKo – Tiamzon

Tunay na isang comeback ang ginawa ng BanKo Perlas Spikers sa five set victory kontra Motolite 19-25, 23-25, 25-18, 25-22, 17-15 para sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference nitong Linggo sa Alonte Sports Arena.


Alyssa napa-wow kay Blanco

Diretso sa pananalasa ang Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference matapos pataubin ang Motolite Team nitong Miyerkoles.


Gonzales, Flink nilunod ang Water Defenders

Humambalos sina import Olena Lymareva-Flink at Sarah Jane Gonzales para sa Pacific Town Army Lady Troopers, sinalya ang BaliPure Water Defenders 25-21, 25-20, 25-21 Miyerkoles sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Centre.


Kaewpin, Creamline didiskarga ang Motolite

Kaewpin, Creamline didiskarga ang Motolite

Mainit ang magiging tapatan ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa pagtatapat ng Creamline Cool Smashers at Motolite Team alas-4 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


BaliPure butata kina Morado, Valdez

Ratsada si setter Jia Morado, tinulungan ang Creamline Cool Smashers sa 25-19, 25-18, 25-23 pagwalis sa BaliPure Water Defenders sa pagpapatuloy ng elimination round ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.


Ika-4 na ‘W’ hahatawin nina Valdez, Kaewpin

Sa pagbabalik ni coach Tai Bundit sa Creamline Cool Smashers, balik na rin ang happy at heartstrong mantra sa kanila laban sa wala pang panalong BaliPure Water Defenders sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference Miyerkoles.