Palomata, Air Force dinalawahan ang Choco

Buhay pa ang asam ng Philippine Air Force Lady Jet Spikers na makahirit ng laro sa semifinals matapos kalusin ang Choco Mucho Flying Titans, 20-25, 25-18, 29-27, 26-24, sa second game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.


Sabete, Gazz nagningas

Patuloy ang pananagasa ng PetroGazz Angels matapos silang akbayan nina Jonah Sabate, Cherry Nunag at Jovie Prado sa 25-15, 20-25, 14-25, 25-13, 15-6 panalo kontra Pacific Town Army Lady Troopers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference ngayong araw sa University of San Agustin Gym sa Iloilo.


Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray

Tubino, Pacific Town nilunod ang BaliPure

Hindi na nagpaliguy-ligoy ang Pacific Town Army Lady Troopers matapos walisin sa tatlong set ang BaliPure Water Defenders, 25-17, 25-22, 25-18, Sabado ng gabi sa second game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan.


Tolentino, Choco balik sa panalo

Tinuldukan ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang kamalasan matapos silang tulungan ni Kat Tolentino sa pagsugpo sa Chef’s Classic Lady Red Spikers, 32-34, 25-12, 23-25, 25-18, 15-11, sa first game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan nitong Sabado.


Dell, Air Force tuloy ang ligaya

Kumadena ang Philippine Air Force Lady Jet Spikers matapos pagulungin ang Pacific Town-Army Lady Troopers, 25-22, 25-21, 25-19, sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City Sabado ng gabi.


Kabagsikan itutuloy ni Valdez, Creamline

Matapos walisin ang first round ng eliminations, ipagpapatuloy nina ace spiker Alyssa Valdez at Creamline Cool Smashers ang pananalasa sa second round kontra Chef’s Classic Lady Red Spikers alas-2 Sabado ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.


Cool Smashers perpekto; Valdez, Gumabao solido

Kapit-bisig sina volleyball superstar Alyssa Valdez at Michele Gumabao upang tulungan ang Creamline Cool Smashers na walisin sa tatlong set ang BaliPure Water Defenders, 25-8, 25-19, 25-14, sa ikalawang laro ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Paglubog pinigilan ni Gonzaga, Pacific

Tinuldukan ng Pacific Town-Army Lady Troopers ang three-game skid nang akbayan nina Jovelyn Gonzaga at Honey Rose Tubino sa 25-18, 25-18, 25-13 panalo kontra Chef’s Classic Lady Red Spikers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference, Sabado sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Tubiera, BaliPure mandedekwat

Itutuloy nina Menchie Tubiera at ng BaliPure Water Defenders ang pananalasa sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kontra BanKo Perlas Spikers, Miyerkoles, alas-6 ng gabi, sa FilOil Flying V Centre.


Tolenada maaasahang setter ng Motolite

Tolenada maaasahang setter ng Motolite

Nasungkit ng Motolite ang kanilang back-to-back victories nitong Linggo sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference dahil sa tulong ni setter Iris Tolenada.


Tolentino, Choco Mucho tutunggain ang BaliPure

Tolentino, Choco Mucho hahambalusin ang Chef’s

Pipilitin ni Kat Tolentino at Choco Mucho Flying Titans na makabalik sa win column kaya papatirin ng mga ito ang Chef’s Classic Lady Red Spikers alas-4 Sabado ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Gervacio, BanKo Perlas aawatin ang Creamline

Muling pamumunuan ni hitter Dzi Gervacio ang BanKo Perlas Spikers upang makakuha ng panalo kontra reigning champions Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference alas-6 Miyerkoles ng gabi sa FilOil Flying V Centre.


Palomata, Air Force liliparin ang 1st win

Hahatawin nina middle hitter Dell Palomata at Philippine Air Force Lady Jet Spikers ang kanilang unang panalo pagharap sa BanKo Perlas Spikers alas-6 Sabado ng gabi sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.


Valdez, Creamline diniskaril ang Motolite

Winalis ng Creamline Cool Smashers, sa pamumuno ni Alyssa Valdez, ang Motolite, 25-14, 25-15, 25-14, sa second game ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference, Miyerkoles sa FilOil Flying V Centre.


Tolenada, Motolite hahatawin ang Creamline

Tolenada, Motolite hahatawin ang Creamline

Ibang angas ang ihahatid ng Motolite sa kanilang laban sa defending champions Creamline Cool Smashers para sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa FilOil Flying V Centre.


Tolentino, Choco Mucho tutunggain ang BaliPure

Tolentino, Choco Mucho tutunggain ang BaliPure

Masusubukan ang tikas ng bagong-saltang Choco Mucho Flying Titans sa pagharap kontra BaliPure Water Defenders sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference alas-2 Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Centre.


Tiamzon, Bersola, Perlas dedeposito kontra Gazz

Matinding volleybal action ang dapat asahan sa pagtatagpo ng PetroGazz Angels at BanKo Perlas Spikers para sa opening day ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference Linggo sa FilOil Flying V Centre.