Mga national, regional event sinuspinde ng DepEd dahil sa COVID-19

Dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) ay sinuspinde na ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng nakatakda nilang mga national at regional event, na lalahukan ng mga mag-aaral, bilang bahagi ng pag-iingat o precautionary measures na ipinatutupad nila laban sa banta ng nasabing sakit.


San Juan walang pasok kontra COVID

Para masigurong ligtas ang lahat ng mga residente, partikular na ang mga mag-aaral ng pribado at pampublikong paaralan, idineklara ni San Juan City Mayor Francis Zamora na walang pasok sa Lunes (March 9).