Enerhiya, dapat prayoridad ng sunod na admin – Chiz

Inihayag ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na dapat isali ng susunod na administrasyon sa mga pangunahing prayoridad nito ang enerhiya upang maiwasan ang posibleng krisis sa kuryente at masiguro na mayroong pangmatagalang estratehiya ang bansa para sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente bilang paghahanda na rin sa pagbangon ng ekonomiya mula sa pandemya.