Albayalde nakialam sa dismissal order vs 13 ‘ninja cops’ – Magalong

Hiniling umano ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde – na noo’y dating regional director ng National Capital Region Police Office – kay dating Police Regional Office 3 head Aaron Aquino na huwag ipatupad ang dismissal order sa 13 pulis na dating mga tauhan nito na sa sangkot diumano sa pag-recycle ng iligal na droga na nakumpiska nila sa isang drug operation sa Pampanga noong 2013.