2 pulis sugatan sa NPA ambush sa Masbate

Sugatan ang dalawang pulis matapos silang tambangan ng hindi pa batid na bilang na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) habang rumeresponde sa isang barilan nitong Miyerkoles ng umaga sa bayan ng Pio V. Corpuz, lalawigan ng Masbate.