Phivolcs nagbabala sa pagbuhos ng lahar sa 3 bulkan

Pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang mga lugar na malalapit sa bulkan ng Mayon, Taal at Pinatubo dahil sa posibilidad ng pagbuhos ng lahar at putik bunsod ng malakas na pag-ulan dulot ng bagyong Rolly.