Bong Go uudyukan si Duterte sa pilot program ng motorcycle taxi

Irerekomenda ni Senador Bong Go kina Pangulong Rodrigo Duterte at Transportation Secretary Arthur Tugade na ipagpatuloy ang pilot run ng motorcycle taxi sa kabila ng rekomendasyon ng DOTr technical working group (TWG) na itigil na pag-aaral hinggil dito.