Araneta, Generika-Ayala tinaob ang PLDT

Tumirada si skipper Angeli Araneta ng 15 points kabilang 14 digs para angklahan ang pagbuhos ngitngit ng Generika-Ayala kontra PLDT Home Fibr, 27-25, 16-25, 25-18, 25-14, Huwebes ng gabi sa 7th Philippine Superliga 2019 All-Filipino Conference prelims sa Muntinlupa City Sports Center.