PSC Children’s Games sa Limasawa Island

Bagaman patuloy na binabantayan ang mapanganib na coronavirus o COVID-19 ay sisimulan na ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagbabalik nito sa island-municipality ng Limasawa ang Children’s Games sa Marso 28 at 29 na parte sa selebrasyon ng ika-499 anibersaryo ng unang ginanap na misa sa lupain ng Pilipinas.