Sotto: Habang tumatagal hearing, dumarami paglabag sa pork importation

Napuna no Senate President Vicente Tito Sotto III na habang tumatagal ang hearing ng Committee of the Whole sa pork importation mas lalong lumalabas ang mga maraming paglabag ang ilang opisyal ng gobyerno partikular na ang Department of Agriculture at mga ahensya sa ilalim nito.


BAI Director Dr. Morales ‘NADULAS’ sa pagdinig

Parang isda na nahuli mismo sa sariling bunganga si Bureau of Animal Industry Dr. Reildrin Morales ng sinabi niya na matagal ng sistema na kahit noong hindi pa naisasabatas ang 2013 Food Safety Act ganoon na ang proseso na hindi kinokompleyo ang inspeksyon sa first boarder ng pagdating ng imported meat kaya hanggang ngayon ay ginagawa ito.
Dahil dito, nadismaya ang mga senador dahil malinaw na inamin mismo ni Dr. Morales na may paglabag sila sa ipinaiiral na Food Safety Act of 2013.


DA, DOH may nilabag sa batas — Lacson

Tahasang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na may nilabag sa batas ang mga taga Department of Agriculture at Department of Health sa kanilang Joint Administrative Order sa ilalim ng ipinatutupad na batas ang Food Safety Act of 2013 kung saan dapat nagsagawa ng inspection sa first point of entry ang dalawang ahensya bago ipatupad ang pagpapataw ng buwis pero hindi Ito ginagawa ng DA at ng DOH.


PAKINGGAN: Mga kawani ng gobyerno, nagprotesta kontra kontraktwalisasyon

Nagkasa ng kilos protesta ang ilang mga kawani ng gobyerno na kabilang sa grupong COURAGE sa harap ng tanggapan ng Civil Service Commission sa Batasan, Quezon City nitong Lunes, Oct. 19. Kontro ang grupo sa anila’y malawakang kontraktwalisasyon at banta ng tanggalan sa mga kawani ng gobyerno.