Allergy experts pabor sa Covid turukan

Tiniyak ng Philippine Society of Allergy, Asthma, and Immunology (PSAAI) sa madla na ang mga benepisyong makukuha sa mga bakuna kontra COVID-19 ay “labis na nakahihigit” sa posibleng panganib na dulot ng adverse reactions nito, pati na rin sa peligro na makaranas ng malubhang coronavirus o pagkamatay.