Alcantara, Gonzales tinibag sina Tsitsipas, Kalovelonis

Walang takot na ipinakita nina Francis Alcantara at Ruben Gonzales ang tikas at tatag ng mga Pilipino matapos na biguin ang tambalan nina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis ng Greece tungo sa paghugot ng panalo sa loob ng dalawang set, 7-6, 6-4, at manatiling buhay sa ginaganap na Davis Cup 2020 World Group II Playoffs Sabado ng umaga sa Philippine Columbian Association (PCA) clay court sa Plaza Dilao, Paco, Manila.


Greek netters dumating na para sa Davis Cup

Dumating na sa bansa si men’s world top 10 lawn tennis player Stefanos Tsitsipas kamakalawa at agad na ipinakita ang kahandaan para pamunuan ang Greece kontra Pilipinas para sa Davis Cup World Group II playoffs sa darating na Biyernes at Sabado sa Philippine Columbian Association (PCA), Plaza Dilao sa Paco, Maynila.