12 barkong nakadaong sa Zambales, pinaiimbestigahan

Hiniling ng Masinloc Municipal Council kay Zambales Governor Hemogenes Ebdane Jr., na siyasatin ang matagal nang pananatili ng hindi bababa sa 12 foreign dredging ship sa baybaying sakop ng Masinloc Bay, sa kadahilanang makapagdudulot ng polusyon sa tubig at makaaapekto sa protected area ng nasabing bayan.


Dating puwesto ni VP Leni, sinalo ni Jimenez

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), ang dating puwesto na hinawakan ni Vice President Leni Robredo ng 18 na araw.


Bagong helicopter ng PCG, ipinasilip

Ipinasilip ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral Joel S Garcia PCG Headquarters sa Port Area Manila ang isa sa dalawang airbus helicopters – H145 light twin engine helicopter ng Philippine Coast Guard mula sa Germany.


Mga kawani ng PCG, MIAA na lumahok sa SEAG, kinilala ng DOTr

Bilang pagkilala ng Department of Transportation (DOTr) sa pagbibigay karangalan sa bansa at sa kagawaran, binigyan nila ng award ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) at Manila International Airport Authority (MIAA) na lumahok sa ginanap na 30th Southeast Asian Games.


Barkong galing SoKor, hinarang sa Zambales

Hinarang ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Bureau of Investigation (NBI) ang Liberian-flagged merchant ship nang madiskubreng may lulan itong umaabot sa 53,000 metriko toneladang toxic substance sa Cabangan, Zambales, Biyernes, Nobyembre 22.


10 Vietnamese poacher huli sa Cagayan

10 Vietnamese poacher huli sa Cagayan

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard (PCG) ang 10 mangingisdang Vietnamese matapos harangin ang dalawa nilang barko sa Dalupiri Island sa Calayan Group of Islands sa Cagayan.