PhilHealth bilyon ang utang sa mga ospital

May ilang mga ospital sa bansa ang kailangang gamitin ang kanilang savings o ‘di kaya’y mangutang sa mga bangko para lang makapagpatuloy ng kanilang operasyon dahil hindi pa nagbabayad sa kanila ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na umabot na sa P6 bilyon.


Lacson sinagot si Gierran

Binigyang-diin ni Senador Panfilo Lacson na magkaiba ang audit sa liquidation matapos sabihin ni PhilHealth president Dante Gierran na 92% ng P15 bilyon na diumano’y nawala dahil sa korapsiyon ang na-liquidate na.