Bike repair stations ikinalat sa QC

Naglagay ng libreng bike repair stations ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa ilang lugar para sa mga nagbibisikleta ngayong panahon ng pandemya.


Libreng sakay sa QC

Hawak-hawak ng isang pulis sa Quezon City ang tarpaulin kung saan nakasulat na sila ay nagbibigay ng libreng sakay sa mga walang masakyang pasahero sa ikalawang araw ng pagpapatupad muli ng MECQ.


Libreng sakay sa Valenzuela

Dahil balik MECQ, nagbigay ng libreng sakay sa mga residente ng Valenzuela na walang masakyan dahil sa pagsuspinde ng pampublikong transportasyon.


Mahigpit na checkpoint pinaigting

Iniinspeksyon ng mga pulis ang mga motorista sa boundary ng Valenzuela-Meycauayan, Bulacan sa muling pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine.


2 babaeng namemeke ng COVID-19 test result timbog sa Caloocan

Naaresto ang dalawang babae na kinilalang sina Angelica Arino Dellola at JeshEl Roldan Mohad na namemeke ng COVID-19 RT PCR test resilt sa TJ Computer Shop, Boungavilla St., Brgy. 177, Caloocan City ng mga operatiba ng PNP CIDG.
Kasunod ito ng viral video na pinapalitan ang pangalan ng mga nasa COVID-19 RT PCR test result.


Matapos ilang buwan: MPD nag-flag ceremony

Dahil sa pandemya mula noong Marso, nagsagawa muli ng flag ceremony ang Manila Police District (MPD) kasabay ng kanilang kick off ng police celebration community relation month.