Coop sa mga resettlement sites sinimulan ng PCUP

Kasado na ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang pagtatatag ng mga kooperatiba sa mga resettlement site, bilang pagpapaigting umano sa kampanya ng Komisyon na magbigay ng trabaho sa mga mahihirap na Pinoy.