Mga ahente ng lotto, Keno makakatanggap ng ayuda sa PCSO

Nakatakdang makatanggap ng ayuda sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga ahente ng lotto at Keno sa boung bansa matapos na hindi na sila makapag-operate dahil sa suspensyon ng mga laro ng PCSO dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19).


P3B tulong kontra COVID inilabas ng PCSO

Umaabot na sa mahigit P3 bilyon na tulong sa gobyerno ang inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).


PCSO tatanggap na lang ng aplikasyon sa online

Upang maiwasan ang mahabang pila ng nais humingi ng medical assistance ay inabisuhan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga naninirahan sa Metro Manila na simula sa Lunes, Mayo 11, ay online application na lamang ang tatanggapin ng kanilang ahensiya.


‘Mobile lotto’ hinirit ng kongresista sa PCSO

Isinuhestiyon ng isang kongresista sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na maglunsad ng interactive mobile lottery games para makatulong sa gobyerno na kumita sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) crisis.


PCSO itutuloy ang medical assistance

Ipagpapatuloy ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagpoproseso ng medical assistance na natigil dahil sa pagdeklara ng state of public health emergency sa bansa dahil sa pandemic na coronavirus disease 2019 (COVID-19).


Malasakit Center hinihirit sa Cainta

Dahil sa dami ng serbisyo publiko na pangkalusugan, humihiling ang mga residente ng Cainta ng isang Malasakit Center mula sa programa ni Senador Bong Go.


40 unit ng PTV ibinigay ng PCSO

40 unit ng Patient Transport Vehicle (PTV) ang ibinigay ng PCSO sa iba’t ibang LGU’s at Institusyon sa bansa upang mapunan nang mabilisan ang mga emergency ng publiko ayon kay PCSO Chairman Royina Garma, ang isang unit ay nagkakahalaga ng P1.5 each at P63.4 million lahat. Naganap ang seremonya sa PCSO satellite Office sa San Marcelino Maynila.