9 opisyal ng Coast Guard, sinuspinde ng Ombudsman

Ipinag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang suspensiyon ng siyam na opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG), kabilang si newly-promoted Rear Admiral Athelo Ybañez at Commodore Teotimo Borja Jr., dahil sa diumano’y maling paggamit ng P27 milyong pondo ng kanilang tanggapan.