Pag-asa, tiwala sa gobyerno magbabalik sa pamumuno ni Ping

Binigyang-lakas ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga Pilipino na nawawalan na ng pag-asang magkakaroon pa ng pagbabago sa gobyerno dahil sa paniniwala na pareho-pareho namang tiwali ang mga tumatakbong kandidato.


Tagisan ng ideya, hindi ng insulto, hamon ng tambalang Lacson-Sotto

Umaasa ang Partido Reporma na maitataas ng lahat ng mga kandidato sa parating na Halalan 2022 ang antas ng diskusyon hinggil sa pulitika, tulad ng matagal nang ipinapakitang ehemplo ng chairman at standard-bearer nitong si Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.


Lacson tutuldukan EJK: ‘Isa rin yang uri ng pagnanakaw’

Hindi papayagan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson na sikmurain pa ng mga Pilipino ang mga kuwento ng patayan dahil sa ‘extrajudicial killings’ o EJK na naging laganap nitong mga nakaraang taon kapag siya ang mahahalal na mamuno sa bansa sa susunod na anim na taon.


Mga magnanakaw sa gobyerno virus din na dapat sugpuin – Ping

Katulad ng pandemya dulot ng coronavirus na nilalabanan ng bansa sa kasalukuyan, isang malaking krisis din para kay Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga magnanakaw sa gobyerno na aniya’y hawa-hawa rin sa pagdami.


Ping, Partido Reporma senatorial bets sama-sama sa krusada kontra mga magnanakaw

Dahil sa bumuhos na suporta ng mga Pilipino sa kanyang mithiin na ‘uubusin ang magnanakaw’ batay sa mga tugon na kanilang natanggap mula sa mga netizen, paiigtingin pang lalo ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kanyang kampanya laban sa iba’t ibang uri ng magnanakaw na talamak sa ating lipunan.


Kilalang blogger bilib sa prangkang pagtugon ni Ping sa Robredo supporter

Hanga ang isang kilalang blogger sa ginawang pagsita ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson sa isang netizen na tumugon sa kanyang tweet hinggil sa mga dapat na katangian ng magiging susunod na lider ng bansa at inugnay ito sa pangalan ni Vice President Leni Robredo.


Mga Pinoy lalabas ang galing sa pamumuno ni Ping – Ty

Umaasa si Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson na ang bawat Pilipino ay magiging pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili, tulad ng kanyang ginawa, kung bibigyan siya ng pagkakataon na maglingkod bilang ika-17 pinuno ng bansa sa darating na Halalan 2022.


Ping tiniyak na sasamahan ang mga supporter hanggang sa dulo

Pinasalamatan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang lahat ng miyembro ng grupong BRAVE MOVERS na nagsusumikap at matiyagang nag-iikot sa mga maliliit na komunidad sa bansa upang ipaabot ang isinusulong niyang mga adbokasiya tungo sa mithiing maitatag ang mas maayos na pamahalaan.


Driver, konduktor bigyan ng regular na sweldo – Lacson

Binigyang-diin ni Partido Reporma standard bearer Senador Panfilo Lacson na magandang hakbang ang regularisasyon sa mga driver at konduktor upang mapabuti ang kanilang kita na magbibigay ng magandang oportunidad sa kanilang pamilya, lalo na sa edukasyon ng kanilang anak at proteksyon din sa mga pasahero.


Mga netizen kay Ping: ‘Pagaling kayo, we need a leader!’

Hindi hahayaan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson na maging hadlang ang pagiging positibo niya sa COVID-19 sa lahat ng kanyang mga kailangang gawin dahil plano niyang ipagpatuloy pa rin ang ilan sa mga ito habang naka-quarantine.


Ping nakilahok sa laro tampok ang mga kilalang pulitiko

Isa pang katangian na hindi alam ng publiko ang isiniwalat ni Partido Reporma 2022 presidential elections standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson sa isa sa pinakabagong episode ng kanyang iPingTV official channel sa YouTube.