Pagpaslang sa isang lola walang kinalaman sa COVID-19 – Parañaque Police

Itinanggi ni Parañaque City Police Chief Col. Robin King Sarmiento na may kaugnayan sa nararanasang krisis dulot ng COVID-19 ang pagpaslang sa isang lola sa Parañaque. Aniya hindi totoo na wala nang makain ang suspek dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine kaya nagawa ang krimen. Aniya matagal ng may kaso ng pagnanakaw ang suspek at nagpositibo sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.