Papataying baboy sa Pangasinan, posibleng umabot sa 6,000

May posibilidad na umabot pa sa 6,000 baboy sa loob lamang ng Pebrero ang bilang ng mga kinakailangang isailalim sa culling operation o papatayin dahil sa patuloy na pagkalat ng African Swine Fever sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa Pangasinan Provincial Veterinary Office (PPVO) noong Biyernes.