Geo-tagging pangontra ni Lacson sa ghost infra projects

Para matigil na ang ghost projects at iba pang uri ng korapsyon sa mga programang pang-imprastraktura ng gobyerno, plano ni Senador Ping Lacson na magpatupad ng isang geo-tagging system sa unang 100 araw ng kanyang termino sakaling manalo siya sa pagka-Pangulo sa 2022.