Maynila record-holder sa pagbabakuna – Moreno

Ipinagmalaki ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang state of the city address nitong Huwebes na ang lungsod ang may hawak ng record sa pinakamaraming COVID bakuna na naiturok sa isang araw. Ayon kay Moreno, nagawa ng lungsod na makapagturok ng 43,011 indibidwal sa loob lamang ng isang araw. “We hold the national record, 43,011 […]


Programang ‘Vacc2School’ inilunsad ng DepEd

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes ang paglulunsad nila ng programang “Vacc2School: Ligtas na Bakuna, Para sa Balik-Eskwela!” na naglalayong magbigay impormasyon tungkol sa kahalagahan ng pagbabakuna.


Malacañang tinukoy mga priority area para sa malawakang pagbabakuna

Tinukoy ng Malacañang ang mga priority area para sa isasagawang malawakang pagbabakuna na inaasahang magsisimula ngayong taon.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, ito ang mga lugar na gagawing prayoridad buhat ng ‘high prevalence’ ng Covid-19 sa mga naturang lugar.

* National Capital Region
* Cordillera Administrative Region
* Region XI (including Davao City)
* Region IV-A (Calabarzon)
* Cebu City

Nasa unang prayoridad din ang mga health worker, mga senior citizen, indigenous population at uniformed personnel.

Nauna nang sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na target ng gobyernong mabakunahan kontra Covid-19 ang 50-70 milyong Pilipino ngayong taon.

Target din ng bansa na makakuha ng 148 milyong bakuna mula sa pito hanggang walong mga vaccine maker.