Ping: Tamang kaalaman ang dapat ituro sa botante, ‘di Tiktok o parada

Para sa pag-unlad at ikabubuti ng bansa, hinahangad ni Partido Reporma chairman at presidential bet Panfilo “Ping” Lacson na iangat ang kaalaman ng mga botante tungkol sa eleksyon at mga plataporma ng bawat kandidato, imbes na idaan sa pa-TikTok o parada ang dapat ay seryosong usapan.