P3.4 M shabu nakumpiska sa isang apartment sa Pasay

Arestado ang 5 katao kabilang ang dalawang babae nang makumpiska ang 5 pirasong plastik ng shabu na nagkakahalaga ng 3.4 milyong piso sa ikinasang buy-bust operation sa pinagsanib pwersa ng SDEU QCPD, at Pasay Police nang salakayin ang isang apartment sa P.Santos St. Barangay 166 sa Pasay City kagabi.