dead-body

Ginang na kalalabas lamang ng selda, itinumba

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang ginang na umanoy kalalabas lamang ng kulungan, habang naglalaba sa harap ng kanilang tahanan, katulong ang kanyang anak na lalaki sa Quezon City, nitong Huwebes ng hatinggabi.


riding-in-tandem

2 negosyante patay sa April Fools’ Day

Dead-on-the spot ang dalawang negosyante matapos na paulanan ng bala ng baril ng riding-in-tandem ang sinasakyan din nilang motorsiklo kahapon ng umaga sa Quezon City.


Cigarette vendor na nang-rape sa dalagitang anak, todas sa parak

Anim na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ng isang cigarette vendor matapos pagbabarilin ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nang manlaban ang una nang aarestuhin sa kasong rape na isinampa ng 17-anyos na anak sa Quezon City, nitong madaling araw ng Huwebes.


Driver binurdahan ng saksak ng BFF

Binurdahan ng saksak sa iba’t ibang katawan hanggang sa mapatay ang isang biyudo ng kaniyang itinuturing na bestfriend ng magkaroon nang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City kamakalawa ng gabi.


Iniwan ng bf, dalaga nagbigti

Matapos iwanan ng boyfriend, nagpatiwakal sa pamamagitan nang pagbigti ang 20-anyos na dalaga na anak umano ng isang sundalo sa Quezon City, nitong Huwebes ng madaling araw.


Obrero nagbigti sa pagsalubong ng Bagong Taon

Sa pagtatapos ng taong 2017, nagpasya na rin ang 33-anyos na construction worker na wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbigti sa sarili sa Quezon City, nitong Linggo ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang nagpakamatay na si Dario […]


Para may pang-aginaldo sa apo: Lolo pumasada ng Pasko, dedbol

Sa pagnanais na may maibigay na aginaldo sa kanyang mga apo, sa halip na magpahinga matapos ang Noche Buena ay ipinasada ng 63-anyos na lolo ang kanyang tricycle subalit namatay ito habang sugatan naman ang kanyang pasahero nang banggain ang kanyang sasakyan ng rumaragasang taxi sa Quezon City, Linggo ng madaling-araw.


knife-with-blood

Pizza crew binurdahan ng saksak sa Novaliches

Hindi akalain ng isang pizza crew na ang pag-resbak niya sa nambato sa kanya ang siyang magiging mitsa ng kanyang kamatayan matapos na pagsasaksakin ng hindi nakilalang lalaki sa Novaliches, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.


Binata pinag-almusal ng bala

Patay ang isang 39-anyos na binata matapos barilin na hindi pa nakikilalang salarin habang bumibili ng tinapay sa isang tindagan sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.


Ret. US Army natagpuang naaagnas sa apartment

Hinihinalang ilang araw nang patay ang isang retiradong US Army makaraang matagpuang naaagnas na ang katawan nito sa loob ng inuupahang apartment sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.